Mahigit 14,000 na mga pulis, ipakakalat ng PNP kasabay ng “Ligtas Paskuhan 2024”

Tiniyak ng Philippine National Police ang kaligtasan ng publiko ngayong holiday season, kahit walang namo-monitor na seryosong banta.

Ayon kay PNP PIO Chief PBGen. Jean Fajardo, nagpapatuloy ang mga proactive measure ng pulisya sa mga matataong lugar.

Kasunod nito, mahigit 14,000 mga pulis ang ipakakalat sa iba’t ibang bahagi ng bansa kasabay ng “Ligtas Paskuhan 2024.”


Kaugnay nito, ipatutupad ang “no leave policy” simula Disyembre 15, bilang paghahanda sa inaasahang pagdami ng economic activities ngayong Kapaskuhan.

Patuloy naman ang apela ng PNP sa publiko na manatiling vigilante at agad na i-report sa pulisya ang anumang kahina hinalang kilos ng indibidwal o grupo.

Facebook Comments