Mahigit 140,000 na alok na trabaho sa Qatar, apektado ng ipinatupad na suspensyon ng pagpapadala ng OFW ng DOLE

Qatar – Mahigit 140,000 na alok na trabaho mula sa Qatar ang apektado ng ipinatupad na suspensyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagpapadala ng mga Overseas Filipino Workers doon.

Kasunod na rin ito ng pagputol ng diplomatic ties ng ilang Arab countries sa Qatar dahil sa umano’y pagsuporta nito sa ISIS.

Dahil dito, sinuspinde muna ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang lahat ng Overseas Employment Certificates (OECs) para sa 141,443 job order habang may tensiyong pangdiplomatiko pa sa Middle East.


Hindi naman kasama sa suspensyon ang mga OFW na mayroon nang kontrata sa Qatar at OECs.

Nabatid na pang-siyam ang Qatar sa mundo na may pinakamalaking populasyon ng OFWs kung saan tinatayang 240,000 na mga pilipino ang nagtatrabaho rito mula noong 2013.
DZXL558

Facebook Comments