Tuesday, March 31, 2026

Mahigit 148 libong personnel ipapakalat para sa Holy Week 2026 ayon sa PNP; zero obstruction sa mga daan ipatutupad

Nasa kabuuang 148,193 na personnel ang idedeploy para sa Holy Week 2026 sa buong bansa.

Kung saan higit 98,000 rito ay mula sa PNP, at ang nasa higit 49,000 naman ay mula sa mga force multipliers.

Sa press conference sa Kampo Krame, sinabi ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. na halos kalahati ng kapulisan ay idedeploy para sa pagtitiyak ng kapayapaan at kaayusan, pati na rin sa emergency response at pagtitiyak ng public safety.

Ayon pa kay Nartatez, makikipag-ugnayan rin sila sa mga barangay ukol sa mga obstruction sa daan, kagaya ng bakal sa paligid ng mga eskwelahan, pati na rin sa mga nakabilad na palay.

Katuwang ng PNP sa nasabing panukala ang Department of Transportation (DOTr), Department of Public Works and Highways (DPWH), at Department of the Interior and Local Government (DILG).

Facebook Comments