
Patuloy ang pagdagsa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) na makikiisa sa malawakang rally for transparency mula ngayong Linggo, Nobyembre 16.
Ayon sa Manila Police District (MPD), nasa humigit kumulang 14,500 na ngayon ang nasa Quirino Grandstand.
Asahang darami pa ang magtutungo rito lalo’t alas kwatro pa ng hapon magsisimula ang programa.
May pagbigat naman ng daloy ng trapiko sa paligid ng Luneta at sa Roxas Boulevard lalo’t marami ang mga service ng mga INC na nagbababa ng mga sakay.
Samantala, nananatili namang mahigpit ang seguridad sa paligid ng Malacañang partikular sa mga daan patungo rito.
Sa Ayala Bridge, bantay sarado ang tulay at hindi rin madadaanan ang kalsada dahil sa makapal na bilang ng mga pulis na nakaantabay.
Ganito rin ang sitwasyon sa Mendiola kung saan mga barbed wire, barikada, at mga pulis na may mga bitbit na shield ang sasalubong sa mga magtatangkang manggulo at pilit na papasok sa Malacañang.









