Mahigit 150 na bata, patay matapos tamaan ng brain fever sa India

Umabot sa mahigit 150 na mga bata ang nasawi matapos tamaan ng brain fever sa Bihar State, India.

Bukod sa bilang ng mga nasawi ay may 131 pang mga bata ang nakakaranas ngayon ng brain fever na kasalukuyang ginagamot sa ospital.

Ang nasabing sakit ay pinaniniwalaang nakukuha mula sa pagkain ng hilaw na lychee kung saan namamaga ang utak na madalas tumatama sa under nourished na batang edad 10 pababa.


Hinimok naman ng mataas na hukuman ng pamahalaan na agad na aksyonan ang tumataas na bilang ng mga nabibiktima sa nasabing sakit.

Facebook Comments