Mahigit 150 na libong pasahero, dumagsa sa mga pantalan —PCG

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) mula alas-12 hanggang alas-6 ng gabi kahapon, aabot na sa mahigit 150,000 pasahero ang dumagsa sa mga pantalan sa bansa.

Kung saan ang 81,262 dito ay mga outbound passengers at ang 69,171 naman dito ay mga inbound passengers.

Samantala sa 16 na PCG districts, nakapagtala ang coast guard ng 477 na mga vessels at 878 naman na mga motorbancas.

Kaugnay nito, nananatiling naka-heightened alert ang PCG hanggang Enero 4 para i-manage ang inaasahang dagsa ng mga pasahero .

Pinapayuhan naman ng ahensya ang publiko na maaari silang makipag-coordinate sa opisyal na facebook page ng Coast Guard Public Affairs para sa mga katanungan at klaripikasyon kaugnay ng mga sea travel protocols at regulations.

Facebook Comments