Wala pa ring pasok ang ilang paaralan sa bansa bunsod nang naranasang masamang lagay ng panahon dahil sa pinagsamang epekto ng shearline at low pressure area (LPA).
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabuuang 156 class suspensions ang kanilang naitala.
Kabilang dito ang ilang klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa CALABARZON, MIMAROPA, Regions 5, 6 at 8.
Maging ang pasok sa trabaho sa ilang lugar na nananatiling baha ay suspendido.
Sa pinakahuling report ng NDRRMC, lubog pa rin sa baha ang 39 na mga lugar sa Region 6 at 91 mula sa Region 8.
Nasa 81,000 pamilya o katumbas ng 307,087 mga indibidwal ang apektado ng pagbaha mula sa 503 barangay sa CALABARZON, Regions 5, 6, 8 at CARAGA.