Mahigit 15,000 tauhan ng PNP at AFP, ide-deploy sa unang SONA ni PBBM

Magpapakalat ng mahigit 15,000 tauhan ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang ahensya ng pamahalaan para sa seguridad ng unang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Julyo 25.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, batay ito sa security plan na iprinisinta ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Police Maj. Gen. Felipe Natividad kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., noong nakaraang linggo.

Maaga aniyang pinagplanuhan ng PNP ang ipatutupad na seguridad at sa kasalukuyang nakikipag-negosasyon sa mga grupo na nagbabalak magsagawa ng rally sa mismong araw ng SONA.


Paliwanag ni Fajardo, katulad ng ipinatupad na seguridad noong inaugurasyon ng pangulo ay pahihintulutan ang mga welga pero sa mga freedom park lamang.

Tiniyak pa nito na gagawi nila ang lahat maging mapayapa at maayos ang unang SONA ni PBBM.

Facebook Comments