Nakapagtala na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng nasa 154,000 na mga indibidwal na naapektuhan ng Habagat at Bagyong Egay.
Ayon sa DSWD, katumbas ito ng 38,991 na pamilya mula sa Regions I, II, III, CALABARZON, MIMAROPA, VI, VIl, at XII.
Batay pa sa ulat ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, aabot na rin sa 921 na pamilya o 3,211 na indibidwal ang nananatili sa evacuation centers.
Habang mayroon ding mahigit 400 pamilya ang nakikitira sa kanilang kaanak.
Mayroon na ring isang bahay ang nasira habang pito bahay ang bahagyang napinsala.
Dagdag pa ng DSWD, nasa higit isang milyon na ang halaga ng humanitarian assistance na naipaabot nito at ng mga partner agency sa mga apektado.
Facebook Comments