Nananatiling lubog pa rin sa baha ang nasa 157 mga lugar sa ilang rehiyon sa bansa bunsod ng pananalasa ng Bagyong Enteng at Habagat.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), karamihan sa mga ito ay nasa Region 5 o Bicol Region.
Mayroon ding naitalang pagbaha sa Metro Manila at CALABARZON.
Maliban dito may naitala ring collapsed structures at landslide partikular na sa CALABARZON at Central Visayas.
Samantala, nasa ₱200,000 ang inisyal na pinsalang iniwan ng bagyo sa imprastraktura sa Bicol Region.
Umaabot naman sa mahigit ₱9-M ang tulong na ipinagkaloob ng pamahalaan sa mga apektadong residente sa Regions 5, 6 at National Capital Region (NCR).
Facebook Comments