Umabot na sa 15,606 outbound passengers at 14,543 inbound passenger ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong araw.
Ito ay ayon sa kanilang monitoring sa mga pantalan sa bansa simula alas 12 ng madaling araw hanggang alas 6 ng umaga.
Nag-deploy naman ang PCG ng 2,232 frontline personnel mula sa 16 nitong distrito kung saan ang mga ito ay nakapag-inspeksyon ng 130 na vessels 27 na motorbancas.
Sa ngayon, patuloy pa rin na naka-heigtened alert ang PCG lalo na’t papalapit na ang pagsalubong sa Bagong Taon kung saan unti-unti muling dumaragsa ang mga tao upang makauwi sa kanilang mga probinsya.
Facebook Comments