
Umabot sa 16,642,762 mag-aaral ang naapektuhan ng suspensyon ng klase, ayon sa Department of Education (DepEd) Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS).
Bunsod ito ng pananalasa ng Bagyong Uwan sa ilang rehiyon sa bansa.
Batay sa huling situational report ng ahensya, kabilang sa labing dalawang rehiyon na sinalanta ng bagyo ang Eastern Visayas, Bicol Region, at Central Luzon.
Mahigit 700,000 kawani ng DepEd ang apektado rin ng class suspension.
Samantala, nasa 2,182 classrooms mula sa 512 paaralan sa mga apektadong rehiyon ang pansamantalang ginamit bilang evacuation centers.
Facebook Comments









