Manila, Philippines – Pumalo na sa mahigit 16 libo ang bilang ng mga pasahero na bumiyahe sa karagatan para sa paggunita ng Undas.
Ayon sa pinakahuling datos ng Philippine Coast Guard ngayong alas sais ng umaga, kabuuang 16, 499 ang kanilang naitalang outbound passengers mula alas dose ng hating gabi.
Pinakamarami rito ay sa mga pantalan sa Central Visayas na may naitalang 7, 049 sinundan ng Southern Tagalog na mayroong 2, 826, Western Visayas na may 2, 814, sa Bicol Region naman ay may 1, 405, sa Eastern Visayas ay maroon 1, 153 at Northern Mindanao na may 793 na mga pasahero.
Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesman Capt. Armand Balilo, wala namang kanselasyon ng biyahe ng mga bapor.
Gayunman, pinapayuhan nito ang mga maliliit na sasakyang pandagat na huwag pumalaot sa mga lugar na mayroong gale warning tulad ng karagatan sa pagitan ng Samar at Sorsogon.