
Matagumpay na nakapagsagawa ng back-to-back anti-drug operations ang local at regional units ng Philippine National Police (PNP) sa Benguet at sa boundary ng Ilocos Sur.
Una na rito ang operasyon na isinagawa sa boundary ng Barangay Licungan, Sugpon, Ilocos Sur at Barangay Tacadang, Kibungan, Benguet nitong Pebrero 22.
Kung saan nagresulta ito sa pagkakadiskubre at pagsira sa mahigit 55 na libong marijuana plants at tinatayang nagkakahalaga ng mahigit 13 milyong piso.
Sumunod dito ang operasyon na isinagawa sa Sitios Les-eng at Dalipey, Barangay Tacadang, Kibungan nitong Pebrero 23.
Kung saan ang mga awtoridad ay nagsagawa ng eradication operation ,sinunog ang mga nasa 3,100 na marijuana plants at nakarekober ng nasa 20 kilograms ng tuyong dahon at fruiting tops na tinatayang nagkakahalaga naman ng mahigit 3 milyong piso.
Muli namang nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko na ang drug eradication ay hindi lamang pagsunod sa batas kungdi isang responsibilidad ng komunidad kung saan hinimok ang mamamayan na ireport ang anumang kahina-hinalang aktibidad na may kaugnayan dito.










