Mahigit 16 percent na overseas voter turnout, target ng COMELEC sa halalan sa Mayo

Nasa mahigit 16 na porsyento ng overseas voter turnout ang target ng Commission on Elections para sa halalan sa Mayo a-trese.

Ayon kay Elaiza David, director in charge para sa overseas voting ng COMELEC, inaasahan na rin nila ang mababang turnout dahil ganito rin ang nangyari noong 2013 midterm elections.

Anya, tuwing midterm elections kasi bumababa ang turnout dahil mas interesado ang mga botante sa presidential elections.


Patunay aniya dito ang nangyaring eleksyon noong 2013 kung saan 31 percent ang naitalang overseas turnout.

Sinabi naman ni David na isa mga problema na nakita ng COMELEC ay ang kakulangan sa impormasyon na nakakarating sa mga Pinoy sa abroad.

Kakaunlang daw kasi ang mga announcement na umaabot sa kanila at hindi rin nila gaanong kakilala ang mga kandidato.
Magsisimula ang Overseas voting sa April 13 na tatagal hanggang May 13.

Facebook Comments