Kahit tuluyan nang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Neneng.
Nananatili pa rin ang 163 pamilya o 578 na indibidwal sa 12 evacuation center sa Region 2.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw, may naitala pa rin kasing pagbaha buhat sa nasabing rehiyon.
Sa kabuuan, sumampa na sa 181,185 mga indibidwal o mahigit 51,000 pamilya ang mga naapektuhan ng bagyo mula sa Region 1, Region 2 at CAR.
Samantala, walang naitalang nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Neneng pero dalawa ang iniwan nitong nasagutan na kapwa mula Region 1.
Kaugnay nito, mula sa 50 kalsada at 13 tulay na naapektuhan ng bagyo pitong kalsada at pitong tulay na lamang sa ngayon ang nananatiling unpassable sa mga motorista mula sa Region 1 at 2.
Patuloy naman ang paalala ng NDRRMC sa publiko na maging maingat lalo na’t inaasahang papasok sa bansa ang panibagong bagyo na pangangalanang Obet.