Pinangunahan ng Naval Forces Northern Luzon ang paglikas ng mga residente sa mga komunidad sa Cagayan sa gitna ng banta ng Bagyong Egay.
Umalalay ang mga Disaster Response Team ng 30th Marine Company, sa paglikas ng 100 indibidwal, kabilang ang 25 bata mula sa Brgy. Caroan Gonzaga, Cagayan, patungo sa evacuation center sa Barangay Smart.
Habang nagsagawa naman ng pre-emptive evacuation ang 20th Marine Company Disaster Response Team sa Barangay Port Irene, Cagayan.
17 pamilya na binubuo ng 67 indibidwal mula sa naturang barangay ang dinala sa Barangay Casambalangan Gymnasium.
Naisagawa ang dalawang operasyon bago mag-landfall kaninang madaling araw ang Bagyong Egay sa nasabing lugar.
Tiniyak ng Naval Forces Northern Luzon na nananatiling naka-antabay ang kanilang mga disaster response team para sa mabilis na pagresponde sa anumang emergency na dulot ng pananalasa ng bagyo.