Aabot sa 16,820 uniformed personnel ang ipapakalat ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa para sa 2022 elections.
Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, kinabibilangan ito ng 1,208 police commissioned officers at 15,612 police non-commissioned officers, na sumasailalim sa mandatory career courses at field training exercises.
Aniya, inatasan na niya ang mga pulis na ito na kumilos batay sa paggalang sa dignidad ng tao, transparency, integridad, accountability, rule of law, at democratic governance.
Batay naman sa tala ng PNP, umabot na sa 2,413 ang naaresto, lumabag at 1,856 na baril ang nakumpiska mula nang ipatupad ang election gun ban noong Enero 9.
Facebook Comments