MAHIGIT 160K PAMILYA SA REGION 1, APEKTADO NG NAGDAANG BAGYO AT HABAGAT

Umabot na daang libong mga pamilya sa Ilocos Region ang naapektuhan bunsod ng nagdaang Bagyong Crising at nagpapatuloy na epekto ng habagat.

 

Sa pinakahuling datos ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1, nasa 162, 737 pamilya ang apektado, na halos ay mula sa lalawigan ng Pangasinan.

 

Sa ngayon, mahigpit na binabantayan ng RDRRMC 1 katuwang ang mga Provincial at Local DRRMs ang sitwasyon sa kani-kanilang nasasakupang lugar.

 

Inihanda na rin ng DSWD FO1 ang mga FFPs at NFIs sa mga warehouses sa Ilocos Region sakaling mangailangan ng augmentation para sa mga apektadong residente.

 

Samantala, mas pinaigting pa ng awtoridad ang pag-antabay dahil sa nagbabadyang epekto ni Bagyong Emong sa rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments