Mahigit 162,000 doses ng COVID-19 vaccines, nasayang dahil sa iba’t ibang kadahilanan

Tinatayang higit 162,000 doses ng COVID-19 vaccines ang wastage o nasayang at hindi na magagamit sa bansa dahil sa iba’t ibang kadahilanan.

Ayon kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez, ilan lamang sa mga nasayang ay ang nasunog na 148,000 dose ng bakuna sa Provincial Health Office ng Zamboanga del Sur gayundin ang mga depektibong vials, kawalan ng kuryente at cold chain solution.

Aniya, ang mga ganitong pangyayari ay hindi kontrolado ng pamhaalaan.


Gayunman, sinabi ni Galvez na napakaliit lamang ang bilang na ito kumpara sa mga nasayang na bakuna sa ibang bansa.

Batay aniya global experience, nasa 1 hanggang tatlong porsyento aniya ang pinapayayang wastage sa mga bakuna.

Facebook Comments