Mahigit 17.1 milyong pamilya, nakatanggap na ng cash aid sa ilalim ng SAP

Nasa higit 17.1 milyong pamilya na ang naayudahan ng gobyerno sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) nito.

Sa datos na inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), hanggang alas-8:00 kagabi, higit 4.1 milyon sa mga nakatanggap ng cash aid ay benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) habang 12.8 milyon ang non-4Ps beneficiaries.

Nasa 62,028 naman na mga Public Utility Vehicle (PUV) drivers ang nabigyan ng cash aid.


Sa ngayon, ₱96.7 bilyon na ang pondong nailabas ng pamahalaan para sa SAP.

Facebook Comments