Inaasahan na mas dodoble pa ang bilang ng mga Katolikong magtutungo sa Baclaran Church ngayong araw.
Malaking parte kasi sa katoliko ang pag-aayuno o pangingilin bilang tanda ng pagsisisi sa mga nagawang kasalanan.
Kung maaalala, una nang sinabi ng simbahang Katolika na ang paggunita ng Ash Wednesday ay paalala na ang tao ay galing sa abo at sa abo rin mapupunta.
Magsilbi rin itong palaala na hindi sa mga materyal na bagay maipakikita ang tunay na pagmamahal kung hindi ang pag-aalay ng sarili para sa kapwa.
Ang Kuwaresma ay ang 40 araw na paghahanda ng mga Katoliko sa pagdating ng mga Mahal na Araw o Semana Santa kung saan, ginugunita ang paghihirap, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus.
Facebook Comments