Pinangunahan ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary John Castriciones ang pamamahagi ng 246 ektaryangng sakahan sa 176 agrarian reform beneficiaries mula sa munisipalidad ng Kasibu at Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.
Ayon kay Secretary Castriciones, makakaasa ang mga magsasaka sa suportang ibibigay ng pamahalaan na makakatulong na mapataas ang potensyal ng kanilang mga sakahan.
Naniniwala ang kalihim na ang mga magsasaka ay isa sa mga bayani ng ating bansa dahil napakahirap umano ng kanilang mga tungkulin.
Paliwanag ng kalihim, ang mga magsasaka ay dapat bigyan ng ayuda, at dapat tulungan para umunlad ang kanilang pamumuhay.
Hinimok din ni Castriciones ang mga magsasaka na pagyamanin ang kanilang mga lupain sa pamamagitan ng pagtataguyod o pagsali sa isang Agrarian Reform Beneficiaries’ Organization (ARBO) kung saan mas madali silang matutulungan ng DAR.
Bukod sa mga lupain, namahagi rin ang ahensya ng mga makinang pansaka sa halos 250 magsasaka na miyembro ng apat (4) na ARBO.