Mahigit 170 mga lumalabag sa ECQ, arestado sa Taytay Rizal

Umakyat na sa 176 na mga lumalabag sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang inaresto ng Taytay Rizal Pilice Station.

Ayon kay Taytay Rizal Mayor Joric Gacula sa Barangay San Juan, 100 residente ang pinagdadampot ng mga pulis dahil sa walang suot na face mask at lumabag sa curfew hours kung saan dinala sa Covered Court ng Barangay bilang Temporary Custodial Facility. Habang sa Barangay Sta. Ana ay 76 dinampot at dinala rin sa Barangay Covered Court ng magdamag.

Paliwanag ng Alkalde naglagay na sila ng pansamantalang kulungan sa mga taong lumalabag sa ipinatutupad na ECQ.


Dagdag pa ni Mayor Gacula na ang mga Local Police at mg Taytay Municipal Health Office ay nagrekumenda na maglagay ng Temporary Jail para sa mga lumalabag sa ECQ gaya ng curfew, liquor ban, at lumalabas ng kanilang bahay na walang dalang Quarantine Permit at maging ang mga menor de edad ay pinagdadampot din dahil sa curfew hours.

Giit ng Alkalde na eryosoang PNP na mag higpit sa Extension period ng Extended Community Quarantine para hindi na kumalat pa ang nakamamatay na virus dahil ang lahat ng mga pasaway ay makukulong para magtanda at hindi umano sila magkalat ng sakit dahil umaabot na sa 46 kumpirmadong kaso ng COVID-19 kung saan 9 ang nasawi at 13 ang narekober.

Facebook Comments