Mahigit 17,000 bagong COVID-19 cases, naitala sa bansa ngayong araw

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 17,447 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

6,771 naman ang bagong gumaling at 113 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 1,916,461 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Ang aktibong kaso ay pumalo na sa 142,531.

Ang kabuuang gumaling ay umaabot na sa 1,741,089 at ang kabuuang namatay ay 32,841.

Facebook Comments