Mahigit 17,000 magsasaka sa Region 2, Maaayudahan sa Programa ng Department of Agriculture

*Cauayan City, Isabela*- Tinatayang nasa kabuuang 17, 132 ang mga magsasakang makatatanggap ng P5,000 ayuda sa ilalim ng programang Financial Subsidy to Rice Farmers (FSRF) ng Department of Agriculture Region 2.

Ayon sa naging pahayag ni Regional Executive Director Narciso Edillo, nasa kabuuang 600,000 ang mga mabebenepisyuhan ng nasabing programa at nakalaan ang nasa tatlong (3) bilyong pondo para dito.

Dagdag pa ng opisyal na ang Probinsya ng Cagayan at Isabela na mga may magsasakang may-ari ng kalahating ektarya pababa ang kasama sa mabibigyan ng ayuda sa ilalim ng programa.


Nakipag-ugnayan na ang DA sa pamunuan ng Land Bank of the Philippines para sa proseso ng pagbibigay ayuda sa mga magsasaka.

Una ng tiniyak ni Edillo na may sapat na suplay ng pagkain matapos palawigin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) hanggang Abril 30.

Nagpapatuloy rin ang operasyon ng ‘KADIWA ni Ani at Kita’ sa lahat ng pitong (7) research stations at sinimulan na rin ang “Kadiwa on Wheels” kung saan hinahakot ng sasakyan ng DA RFO 02 ang mga gulay ng mga magsasaka/FCA upang maibenta sa mga barangay na napili ng LGUs.

Nakipag-ugnayan na rin ang opisyal sa National Irrigation Administration (NIA) para sa patubig ngayong nalalapit ang early planting ng pananim na palay sa susunod na buwan.

Facebook Comments