Mahigit 17,000 na mga pulis, itinalagang magbantay sa paghahatid ng bakuna sa iba’t ibang bahagi ng bansa

May mga pulis na rin ang itinalaga para tutukan ang paghahatid ng bakuna sa iba’t ibang lugar sa bansa, maliban pa sa mga pulis na nagbabantay sa mga quarantine control points at mga isolation facility.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Director for Operations Police Major General Albert Corpuz, 17, 427 ang mga pulis ang nagbabantay ngayon sa pagbyahe ng mga bakuna maging sa mga vaccination center.

Layunin nitong matiyak na magiging maayos ang vaccination rollout at para maiwasan ang tangkang pananabotahe.


Aniya, 1,083 ang naka-deploy sa National Capital Region (NCR), 1,428 sa Calabarzon at 557 sa Central Luzon, mga rehiyon na may mataas na kaso ng COVID-19.

Sa kasalukuyan aniya maganda ang itinatakbo ng trabaho ng PNP at wala aniyang naitatalang aberya.

Dagdag pa ni Corpuz, na sa pagpatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) extension, mananatili ang 71 quarantine control points sa NCR Plus para makontrol sa galaw ng mga tao.

Facebook Comments