Abot sa 17,946 na mga pasaway ang hinuli ng Quezon City Police District (QCPD) sa ginawa nilang mas pinaigting na operasyon laban sa lahat ng uri ng kriminalidad sa lungsod ng Quezon.
Isinagawa ang operasyon mula Agosto 29 hanggang kahapon, Setyembre 4, 2022.
Ayon kay QCPD Director PBGen. Nicolas Torre III, sa nasabing panahon, kabuuang 32 drug operations ang inilunsad na nagresulta ng pagkahuli ng 72 drug personalities at pagkakakumpiska ng P999,124 halaga ng shabu at P11,400 halaga ng marijuana.
May 14 na operasyon din laban sa anti-illegal gambling ang inilunsad ng pulisya na ikinaaresto ng 51 sugarol at pagkakumpiska ng P8,918.00 bet money.
Bukod dito, may 61 wanted persons na nahuli at 23 sa kanila ay nasa talaan ng Most Wanted Persons.
Pinakamarami sa mga nahuli ang 17,761 violators ng iba’t ibang City Ordinances na ipinatutupad ng lungsod.