Mahigit 17,000 reklamo tungkol sa ayuda, natanggap ng isang barangay sa Rodriguez, Rizal

Inulan ng reklamo tungkol sa ayuda ang Barangay San Jose sa Rodriguez, Rizal.

Ayon kay Barangay Chairman Glenn Evangelista, umabot na sa 17,873 na grievances form ang kanilang natanggap mula sa mga residenteng masama ang loob matapos na hindi makatanggap ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Aniya, naisumite na nila sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Region 4-A ang mga reklamo na ie-evaluate naman ng ahensya.


Napag-alaman na sa ilang araw na pamamahagi ng ayuda, laging mahaba ang pila at galit ang mga residente dahil sa kawalan ng sistema ng pamamahagi ng ayuda.

Nabatid na nasa 55,000 ang mga residente sa Brgy. San Jose kung saan 13,620 ang nakalista sa masterlist.

Facebook Comments