Mahigit 17,000 sundalo ide-deploy sa Visayas kaugnay nang nalalapit na BSKE 2023

All systems go na ang Visayas Command (VISCOM) para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.

Ayon kay Visayas Command (VISCOM) Commander Lieutenant General Benedict Arevalo, kabuuang 17,463 Armed Forces of the Philippines (AFP) personnel ang kanilang idedeploy upang matiyak ang maayos, malinis at ligtas na halalan sa buong Visayas region.

Binubuo ang nasabing bilang ng mga Officers, Enlisted Personnel at CAFGU Active Auxiliary.


Ani Arevalo, kalahati sa mga ito ang naka pokus sa military operations sa mga liblib na lugar sa rehiyon upang maiwasang makapaghasik ng gulo ang mga kasapi ng Communist Party of the Philippines (CCP) New People’s Army (NPA) sa halalan habang ang nalalabing kalahati naman ay magiging katuwang ng PNP at Philippine Coast Guard sa pagpapanatili ng kaayusan sa mga polling centers, sa pagbibiyahe ng mga election paraphernalia at pagsasagawa ng Commission on Elections (COMELEC) checkpoints.

Sa 17,463 AFP personnel; 5,866 ang magtitiyak ng seguridad sa BSKE sa Region 6; 5,356 sa Region 7; at halos 6,000 personnel sa Region 8.

Ginawa ni Arevalo ang pahayag sa 3rd Quarter Meeting ng Visayas Joint Peace and Security Coordinating Center kahapon.

Facebook Comments