MAHIGIT 175K ALAGANG HAYOP SA PANGASINAN, BAKUNADO NG ANTI-RABIES

Umabot sa mahigit 170, 000 na mga alagang aso at pusa sa lalawigan ng Pangasinan ang nabakunahan ng anti-rabies vaccination ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna ng Office of the Provincial Veterinary.

Sa datos ng tanggapan, sa isinagawang 70 aktibidad ng mga vet services, kabuuang bilang na 175, 673 na mga alagang hayop ang nakinabang sa libreng bakunahan nitong nagdaang 2024.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Pangasinan OPVET Provincial Veterinarian Doc. Arcely Robeniol, taon-taon ay tumataas ang bilang ng mga alagang nakakatanggap ng mga veterinary services.

Aniya, maganda umano ang naging pagtugon ng mga pet-owners sa lalawigan dahilan ang nakitang pagtaas sa bilang ng mga nababakunahang alaga.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa ang mga programa ng tanggapan sa iba’t-ibang lokal na pamahalaan sa Pangasinan tulad ng consultation, castration, spaying at iba pa upang maitaguyod ang responsible pet ownership at makamit ang rabies-free community sa probinsya.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments