Mahigit 1,800 vote counting machines, nagkaaberya sa gitna ng botohan kahapon ayon sa COMELEC

Umabot sa mahigit 1,800 vote counting machines (VCMs) ang naitala ng Commission on Elections (COMELEC) na nagkaaberya sa gitna ng botohan kahapon.

Ayon sa COMELEC, kabilang sa mga naging problema ay ang paper jam, niluluwang balota at hindi nagpi-print ng resibo.

Dahil dito, sinabi ni COMELEC commissioner Marlon Casquejo, ito na ang huling halalan na gagamitin ang mga VCM at hindi na ito dapat gamitin sa 2025 elections.


Aniya, kahit sa Commission on Audit (COA) rules ay may lifespan na hanggang 5 taon lang pwedeng gamitin ang mga technical machine na ginagamit ng pamahalaan.

Samantala, hindi pa rin naman nakakaboto ang ilang botante sa Lagro Elementary School sa Quezon City dahil sa sirang SD card.

Ayon sa punong guro ng paaralan, simula ng binuksan nila ang VCM kahapon ng madaling araw ay sira na ang mga SD card nito.

Buong maghapon aniya silang naghintay pero wala pa rin silang natatanggap hanggang ngayon na SD card.

Facebook Comments