Mahigit 18,000, gumaling sa COVID-19 ayon sa DOH

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 18,945 na gumaling sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,928,173 ang kabuuang COVID-19 recoveries sa bansa.

Nasa 18,012 ang karagdagang kaso kaya pumalo na sa 2,121,308 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit.


Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso, 7.5% o 158,637 ang aktibong kaso ngayon sa bansa.

161 naman ang pumanaw kaya umabot na sa 34,498 ang kabuuang COVID-19 related deaths.

Patuloy naman ang paalala ng DOH sa publiko na sumunod sa minimum public health standards lalo’t inaasahang tataas pa ang mga kaso sa mga susunod na araw.

Facebook Comments