Walang tigil pasada ang makakapigil sa implementasyon ng PUV modernization program.
Ito ang tiniyak no LTFRB chairman Martin Delgra III sa pagharap niya sa Media para sa assessment ng isinagawang nationwide transport strike.
Ani Delgra, may malakas na suporta sa PUV modernization at patunay rito ang humigit kumulang na 18,000 operators mula sa ibat-ibang mode ng public transport na pumaloob sa modernization program.
Tumanggi naman si Delgra na kumpirmahin ang claim ng PISTON na 95% nilang naparalisa ang transport sector ngayong araw.
Ang malinaw aniya nagkaroon ng panghaharang sa Caloocan Cavite at Pampanga .
Ipinaubaya naman ni Delgra sa Land Transportation ang pagtukoy sa kung sino-sino ang posibleng sisilbihan ng show cause order.
Sa ngayon aniya ay sumampa na sa 25 ang natanggalan nila ng prangkisa simula 2017 at sa unang bahagi ng 2019
Una nang sinabi ni Delgra na karapat-dapat lamang na makinabang ang mga araw-araw na bumibiyahe sa PUV modernization program dahil maitataas nito ang standard ng serbisyo ng transport sector.