Mahigit 18,000 pasaherong palabas ng Metro Manila, naitala ng Philippine Coast Guard

Umabot sa mahigit 18,000 pasaherong palabas ng Metro Manila ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) kasabay ng paggunita ng Undas ngayong araw.

Sa monitoring ng PCG hanggang kahapon sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2021, may kabuuan nang 18,598 outbound passengers at 16,419 inbound passengers ang naitala sa lahat ng daungan sa buong bansa.

Mula ito sa 295 vessels at 381 motorbancas na nainspeksyon ng 15 coast guard districts.


Sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), umabot sa 50,000 hanggang 55,000 ang mga pasahero ang dumagsa nitong nagdaang linggo, bukod nitong Sabado na umabot sa 66,000.

Nakakalat pa rin ang mga guwardiya at mga tauhan ng iba’t ibang ahensya para tiyakin ang seguridad at pagsunod sa health protocols.

Sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), may paghaba rin sa pila papasok sa terminal at check-in counter.

Facebook Comments