Dumating na sa bansa kagabi ang karagdagang 188,370 doses ng Pfizer vaccine.
Donasyon ito ng COVAX Facility sa Pilipinas sa ilalim ng COVID-19 vaccine-sharing program na pinangungunahan ng World Health Organization at ang Vaccine Alliance na Gavi.
Personal na sinalubong ni National Task Force Against COVID-19 Assistant Secretary Wilben Mayor ang mga bakuna na nakatakdang ipamahagi sa mga probinsya.
Sa ngayon, inaasahang mas marami pang bakuna ng Pfizer ang darating sa bansa na magaganap ngayong Septyembre at sa Oktubre.
Facebook Comments