Pumalo na sa mahigit ₱34,000 na mga iligal na paputok ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP).
Batay ito sa inilabas na datos ng PNP mula December 16 hanggang kahapon, December 25.
Sa naturang bilang, pinakamarami sa mga nakumpiska ay ang Five Star na nasa mahigit ₱9,000 sinundan naman ito ng sawa na nasa mahigit ₱7,000 Pla-pla na nasa mahigit ₱4,000 at kwiton o kabasi na nasa mahigit ₱2,000
Nakakumpiska rin ang PNP ng Giant Bawang, Pop-pop, Roman Candle, Boga, Judas Belt, Piccolo at iba pa.
Maliban sa mga iligal na paputok, nasa mahigit 400 din na mga ligal na paputok ang nasamsam dahil sa iligal namang pagbebenta nito.
Sa kabuuan, nagkakahalaga ng ₱180,240 ang mga nasamsam na paputok ng pambansang pulisya.
Facebook Comments