Mahigit limang libong pamilya sa Ilocos Region ang naapektuhan dahil sa nagdaang Bagyong Crising.
Sa datos ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council 1 nitong July 19, kabuuang 18, 477 mga indibidwal ang apektado o katumbas ang 5, 389 na mga pamilya sa rehiyon.
Nagpapatuloy naman ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 ng mga Family Food Packs, Hygiene Kits, at Sleeping Kits, at iba pang tulong sa mga pamilyang inilikas at mga naapektuhan.
Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang monitoring at pakikipag-ugnayan ng RDRRMC1 sa lahat ng Local DRRMS sa Rehiyon Uno upang matututukan pa ang sitwasyon kasunod na nararanasang lagay ng panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









