Mahigit 19 milyong halaga ng droga, nasabat; 6 na high-value individuals, nahuli sa magdamag na operasyon ng PNP

Nasabat ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit P19 milyong halaga ng droga ksabay ng pagkakahuli rin sa anim na high-value individuals sa magdamag na operasyon sa iba’t ibang panig ng bansa.

Narekober ng mga pulis ang mahigit 1,900 daan na gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P14 na milyon.

Bukod dito ay nahuli rin ang anim na indibidwal na tinuturing na High Value Individual.

Ang nasabing mga nasabat na ilegal na droga ay mula sa Davao Del Norte, Camarines Sur, Pasay City, at Cebu City.

Samantala, sa Cordillera naman ay natuklasan ng PNP ang limang taniman ng Marijuana kung saan nasa loob ito ng 3,710 square meters na kagubatan na may 25,820 fully grown marijuana plants at nagkakahalaga ng ₱5.164 milyon.

Kaugnay nito, ang mga naarestong indibidwal at ilegal na droga ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments