
Umabot na sa 1,103 ang bilang ng mga indibidwal na tumutuloy ngayon sa mga evacuation center sa lungsod ng Parañaque.
Ayon sa Parañaque LGU, ito’y katumbas ng 329 na pamilya na apektado ng mga pagbaha dahil sa malakas na ulan.
Partial pa lamang ang bilang na ito dahil patuloy na nadaragdagan ang mga nagtutungo sa 13 na evacuation sites sa lungsod.
Una nang naglabas ng abiso ang lokal na pamahalaan sa mga residenteng malapit sa mga binabahang lugar na huwag nang hintayin pa ang pagtaas ng tubig para agarang makalikas.
Samantala, agad naman na nagpadala ng mga tulong gaya ng pagkain, inumin mga hygiene kit ang LGU para sa mga apektadong residente ng lugar.
Facebook Comments









