MAHIGIT 1K NA PULIS ITATALAGA NG PANGASINAN POLICE PROVINCIAL OFFICE PARA SA UNDAS 2022

Anim na araw bago ang Undas 2022, Handa na ang Pangasinan Police Provincial Office sa pagtatalaga ng 1, 159 na kapulisan na magbabantay sa seguridad ng publiko.
Ayon kay Police Major Ria Tacderan ang tagapagsalita ng PANGPPO, inaasahan na marami ang uuwi sa probinsiya sa obserbasyon ng Undas 2022 at pagdagsa din ng turista kasabay ng long weekend.
Maliban sa mga pulis na magbabantay sa 176 na sementeryo sa lalawigan nakahanda din ang 2,891 force multipliers na kaagapay ng pulisya sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng Pangasinan.

Aniya, babantayan din ng PANGPPO ang pagpapatupad ng safety health protocols sa sementeryo dahil may ilang mga bayan ang magpapatupad ng istriktong implementasyon ng No vaccine, No entry at pagbabawal sa mga batang makapasok sa sementeryo.
Bukod dito, ang mga beaches, kailugan, mall, simbahan, terminals at iba pang areas of convergence ay mahigpit na babantayan ng pulisya. Nagpaalala naman si Tacderan na huwag nang magdala ng alak, patalim, baril at loudspeaker na mahigpit na ipinagbabawal sa pagpasok ng sementeryo.

Sa ngayon, hinihintay ng PANGPPO ang direktiba ng Regional Headquarters bago ideploy ang mga pulis. Nauna nang inihayag ng PNP na itataas ang full alert status nito sa nabanggit na obserbasyon. |ifmnews

Facebook Comments