Mahigit 1K PDLs mula sa iba’t ibang piitan sa bansa napalaya, mula Hulyo hanggang Oktubre ayon sa BuCor

Umabot sa 1,699 Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) mula Hulyo 31 hanggang Oktubre 1, 2025 sa iba’t ibang pasilidad sa bansa.

Kabilang dito ang 185 PDLs na dumalo sa culminating ceremony na isinagawa kahapon sa New Bilibid Compound sa Muntinlupa City, Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa, at Leyte Regional Prison.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., ang pagpapalaya ay bunsod ng iba’t ibang batayan sa batas gaya ng Acquittal, Cash bond, Granted probation, Habeas Corpus, Parole at Expire na maximum sentence.

Binigyang-diin ni Catapang na ang aktibidad ay hindi lamang pagdiriwang ng bagong kalayaan kundi patunay rin ng pagtutulungan ng BuCor at iba pang katuwang na ahensya upang matiyak ang makatarungan at patas na proseso, na nagbibigay-daan tungo sa mas makabuluhang rehabilitasyon.

Facebook Comments