Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Primitivo Gorospe, Principal ng CCNHS, nasa kabuuang 1,158 na Senior High students ang bilang ngayon ng mga ga-graduate na kung saan ay itinuturing nila itong mataas na bilang sa kabila ng nararanasang covid-19 pandemic.
Idadaos ang graduation rites ng mga mag-aaral sa July 1, 2022 at ito ay isasagawa sa in-person o Face to Face graduation.
Bilang pagtalima sa COVID health protocols, hahatiin sa umaga at hapon ang schedule ng graduation at tanging isang magulang o guardian lamang ang papayagang sasama sa estudyanteng magtatapos.
Sinabi pa ni Gorospe na mahigit isang buwan nila itong pinaghandaan matapos ang dalawang magkasunod na taong walang face to face graduation ceremony.
Samantala, kasalukuyan naman ang ginagawang final checking ng Division team sa mga records ng mga candidates for graduation mula sa pribado at pampublikong paaralan sa Lungsod.