Mahigit 2.5 million doses ng COVID vaccines, darating sa bansa ngayong araw

61

Dalawang batch ng COVID-19 vaccines ang dadating sa bansa ngayong araw.

Bago mag-alas-4:00 mamayang hapon darating ang 1,497,200 doses ng Moderna vaccines sa NAIA Terminal 1.

Pasado alas-9:00 naman mamayang gabi darating ang 1,085,760 doses ng Pfizer sa NAIA Terminal 3.


Wala lang abiso ang MIAA kung ang mga dadating na bakuna ay binili ng pamahalaan o di kaya ay donasyon.

Facebook Comments