Magbibigay ang Japanese Government ng nasa $2.58 million sa Pilipinas para mapalakas pa ang peace effort sa Mindanao Region.
Ayon kay Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa, ang naturang tulong ay para sa naturang peace and security stations para sa livelihood o pangkabuhayan ng mga taga Mindanao.
Aniya, magbibigay din sila ng disaster tool kits para sa seguridad ng mga ito tuwing may kalamidad.
Pagtitiyak ni Ambassador Koshikiwa na makakaasa ang Pilipinas sa tulong at suporta ng kanilang bansa patungkol sa mga ganitong usapin para sa peace, security at mga proyekto sa bansa.
Facebook Comments