
Mahigit 2,250 pulis mula sa iba’t ibang unit ng Philippine National Police (PNP) ang agad na pinakilos upang tumulong sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa Cebu.
Ayon kay PBGen. Antonio Marallag Jr., Deputy Director ng Directorate for Police Community Relations, nagsama-sama ang pwersa mula sa PRO-7, PRO-8, Negros Island Region, at iba pang police units para sa mabilisang pagresponde.
Dagdag pa niya, nakatutok ang PNP sa relief at rehabilitation operations, kasabay ng pagtitiyak sa seguridad at pagbibigay ng agarang tulong sa mga mamamayang nasalanta.
Samantala, iniulat din na 34 police stations ang napinsala at 37 pulis ang naapektuhan ng naturang lindol.
Facebook Comments









