Mahigit 2 libong pamilya, lumikas dahil sa epekto ng bagyong Paolo

Manila, Philippines – Aabot sa dalawang libo tatlong daan at labing isang (2,311) pamilya ang lumikas sa kanilang mga bahay matapos maramdaman ang epekto ng bagyong Paolo na ngayon nararanasan sa ilang bahagi ng Bicol region, Visayas at Mindanao.

Sa ulat ni NDRRMC Spokesperson Marasigan, ang mahigit dalawang libong pamilya ay namonitor sa ilang lugar sa Mindanao matapos na makaranas sila ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Bukod sa mga evacuees, apektado rin ng naranasang landslide o pagguho ng lupa ang 45 indibidwal sa Barangay Mauyon, Puerto Princesa City, Palawan.


Habang sa Sultan Mastura, Maguindanao, 539 pamilya ang apektado rin ng pagbaha.

Namonitor rin ng NDRRMC ang pagkasira ng mga bahay sa mga lugar na apektado ng bagyong Paolo, dalawang daan at animnaput anim(266) ay partially damage habang dalawang daan at tatlumput isang (231) bahay ang totally damage.

Tiniyak naman ng NDRRMC na mayroong standby funds ang DSWD para mabigyan ng tulong ang mga evacuees.

Facebook Comments