Mahigit 2 libong Police Officers , nakahanda na umaktong Election Boards sa halalan bukas ayon sa DILG

Nasa 2,838 Police Officers sa buong bansa ang nagpahayag na ng kahandaan na magsilbi bilang Board of Election Inspectors bukas kapag wala nang guro na aakto nito.

 

Ang pagtiyak ay inihayag ni DILG Secretary Eduardo Año lalo na kapag  kinakailangan ang kanilang serbisyo sa panahon na magkaroon ng problema sa peace and order sa ilang lugar sa bansa.

 

Aniya, kailangan na matuloy ang botohan sa lahat ng Presinto at  nakahanda na ang PNP kung kakailanganin ng Comelec.


 

Sa ilalim ng  Republic Act No. 10756 o Election Service Reform Act, maaaring ideputize ng Comelec ang mga pulis na magsisilbing BEI kapag nakukumpromiso ang peace and order situation at wala ng qualified voters ang gustong magsilbi dito.

 

Sa kabuuang bilang ng mga pulis na sinanay at  deputized ng Comelec na aaktong BEIs  1,032 dito ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

 

Hindi magpakampante ang Dilg lalopat nanatiling banta sa peace and order ang Abu Sayyaf,  Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at iba pang factions nito.

 

Ang iba pang deputized PNP personnel ay mula sa  Police Regional Office 10, PRO4A, PRO13; PRO5,PRO11; at Police Regional Office 9.

 

Sa bahagi ng  Luzon, kabilang din ang NCRPO ,PRO1,  PRO2,  PRO3, na may BEIs Cops gayundin sa  PRO6 saVisayas PRO12 sa Mindanao, at sa PROCOR.

Facebook Comments