Mahigit 2-M indibidwal, apektado ng nagdaang Bagyong Egay at Habagat

Sumampa na sa 688,974 na pamilya o katumbas ng halos 2.5 milyong indibidwal ang apektado ng pananalasa ng nagdaang Bagyong Egay at Habagat.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga apektado ay mula sa 4,164 na barangay mula sa Regions 1, 2, 3, 5, 6, 10, 11, 12,  CALABARZON, MIMAROPA, BARMM, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR).

Kaugnay nito nasa mahigit 13,000 pamilya o 50,000 mga indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa 736 na mga evacuation centers habang ang nasa mahigit 262,000 katao ay mas piniling manatili sa kani-kanilang tahanan o makituloy pansamantala sa kanilang mga kamag-anak.


Samantala, nananatili sa 25 indibidwal ang iniwang patay ng bagyo kung saan mayroon ding napaulat na 52 nasaktan at 13 nawawala.

Facebook Comments