Mahigit 2-M pasahero inaasahang daragsa sa PITX ngayong Undas; ilang terminal, ininspeksyon ng DOTr ngayong araw

Inaasahang papalo sa 2.1 milyon ang bilang ng mga pasaherong daragsa o gagamit sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ayon kay PITX Director for Corporate Affairs and Government Relations Jason Salvador, inaasahan na nila sa darating na Lunes ang peak o umpisa ng uwian ng mga biyahero pauwi sa kanilang probinsya.

Ang ilan kasi ay hindi na nakikipagsabayan pa sa exodus o dagsa ng pasahero bago ang Nobyembre 1.

Samantala, magde-deploy naman ang Department of Transportation (DOTr) mula sa iba’t ibang hanay ng mga ahensya ng pamahalaan para matiyak ang seguridad ng mga pasaherong gagamit ng PITX.

Una nang sinabi ng ahensya na paiigtingin nila ang pagbabantay upang masiguro ang komportable at maayos na biyahe ngayong panahon ng Undas.

Facebook Comments